Siya’y Pumidido ng 50 Kopya!
Nang ang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? ay ilabas mahigit nang dalawang taon ang nakalipas, isang babae sa Inglatera ang nakaisip na ito ay magiging isang mainam na regalo para sa kaniyang tiyo, isang maimpluwensiyang 84-anyos na negosyante sa lugar ng Yorkshire. Kaya binigyan niya ito ng isang kopya.
Sa loob ng linggong iyon tinawagan siya ng kaniyang tiyo at ang sabi: “Kahanga-hanga, talagang kahanga-hanga ang aklat na iyon. Maikukuha mo ba ako ng higit pang mga kopya? Nais kong iregalo ito sa mga kasamahan ko sa negosyo.”
Mga 25 lamang ang kaagad ay nakuha, at mabilis na ipinamahagi niya ito sa kaniyang mga kasamahan. Subalit nais niya ng 25 pa. Hindi nagtagal at nakuha niya ito, at ibinigay din niya ito sa kaniyang mga kasamahan—50 lahat-lahat!
Marahil gayundin ang palagay mo tungkol sa aklat na Creation na gaya ng negosyanteng ito. Mayroon ka bang nakikilala na maaari mong bahaginan ng kahanga-hangang publikasyong ito? Bakit hindi mo padalhan ang taong iyon ng isang regalong kopya? Magagawa mo ang gayon sa pamamagitan ng pagsagot at paghuhulog sa koreo ng kupon sa ibaba, nilalakipan ito ng halagang ₱35 na kasama ng kupon.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng isang kaloob na kopya ng 256-pahinang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? gayundin ng isang liham na nagpapaliwanag na ito ay isang regalo buhat kay ____ (pangalan mo). Ako’y naglakip ng ₱35.