Pahina Dos
Ang Timog Aprika ay tampulan ng pansin ng daigdig dahil sa kaguluhang panlahi at pampulitika nito. Gayunman, iilang tao ang nakababatid tungkol sa napakahalagang papel na ginagampanan ng Protestantismo sa Timog Aprika. Kaya ngayon maingat na sinusuri ng Gumising! ang nakatatawag-pansing relihiyosong isyu na nagkukubli sa likuran ng mga paulong-balita.