Isang Lunas Para sa Nerbiyos
Dahil sa lahat ng mga suliranin na nararanasan ng mga tao sa mga araw na ito, hindi kataka-taka na napakaraming karamdaman na nauugnay sa kaigtingan. Inilalarawan ng isang lola mula sa Canada ang kaniyang kalagayan at kung paano siya tumanggap ng ginhawa.
“Ako’y nagpapalaki ng isang 11-anyos na apong lalaki at kamakailan lamang ay sinagot ko ang pananagutan sa aking 14-anyos na apong babae. Nagkaroon ako ng nerbiyos, subalit nais ko lamang ipaalam sa inyo na kapag ako ay nananamlay, hindi lamang ako nananalangin kay Jehova kundi gumagawa ako ng isang bagay na totoong nakatutulong.
“Iniiwan ko ang aking ginagawa at ako’y nahihiga o nauupo at pinakikinggan ko ang mga tape ng Kingdom Melodies. Ipinipikit ko ang aking mga mata at inaalis ko ang ibang mga kaisipan sa aking isip sa pamamagitan ng pag-alala sa mga salita ng awit na maaalaala ko habang tumutugtog ang musika. Pagtayo ko, mas mabuti ang aking pakiramdam at minsan pang ako ay makapagpapatuloy.”
Ikaw man ay maaaring makinabang mula sa nakapagpapalusog, nakarirepreskong mga komposisyong ito sa musika. Bawat isa sa walong mga cassette, ang Kingdom Melodies 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, at 8, ay nagkakahalaga lamang ng ₱30 at ang oras ng pagpapatugtog ay mga isang oras. Tumanggap ng mga cassette na nakatala sa ibaba sa pamamagitan ng pagsagot at paghuhulog sa koreo ng kalakip na kupon.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng (mga) cassette na minarkahan ko ng tsek sa ibaba. Para sa bawat cassette na pidido, ako ay naglakip ng ₱30 upang mapagtakpan ang halaga.
[ ] Kingdom Melodies 1 [ ] Kingdom Melodies 2
[ ] Kingdom Melodies 3 [ ] Kingdom Melodies 4
[ ] Kingdom Melodies 5 [ ] Kingdom Melodies 6
[ ] Kingdom Melodies 7 [ ] Kingdom Melodies 8