Makaaawit Ka Ba Nang May Kagalakan?
Nakikita mo ba ang pagkabukas-palad at pagkamaalalahanin ng isang maibiging Maylikha sa ating likas na kapaligiran? Bagaman ang mga ulap, punungkahoy, ilog, at mga bundok ay naririto sa mga kadahilanang maliban pa sa kanilang kaaya-ayang kagandahan, gayunman, hindi ba kapansin-pansin na ang mga ito ay ginawang lubhang kahali-halina sa paningin? At sino ang hindi nasisiyahan sa tahimik, nakapagpapahingalay—gayunma’y nakapagpapasiglang—epekto ng pamamasyal sa gayong kapaligiran? Kung idaragdag mo pa riyan ang mga pagpapala ng sariwang hanging lalanghapin, ang halimuyak ng mga bulaklak, at ang mga awit ng mga ibon, madaling sumang-ayon sa pagpapahayag na: “Ako’y aawit nang may kagalakan dahil sa mga gawa ng iyong mga kamay. Kay dakila ng iyong mga gawa, Oh Jehova!”—Awit 92:4, 5.
Totoo, dahil sa kasakiman at di-kasakdalan ng tao, marami ngayon ang hindi nagtatamasa ng lahat ng mga pagpapalang ito. Datapuwat malapit na ang panahon kung kailan sasapatan ng Kahariang gobyerno ng Diyos ang mga pangangailangan ng bawat nabubuhay na nilalang.—Awit 104; Lucas 21:7-36.