Pahina Dos
Bakit ang relihiyon ay karaniwang lumilikha ng mga pagkakabahagi, nagsusulsol ng pagkakapootan, at nagtataguyod ng panatikong digmaan? Bakit ba ang relihiyon ay gayon na lamang kakontrobersiyal na paksa? Lagi bang magiging gayon? Simula sa labas na ito, ang “Gumising!” ay nasisiyahang gumawa ng isang masusing pag-aaral tungkol sa relihiyon at sa kinabukasan nito—isang kinabukasan na makakaapekto sa bawat taong nabubuhay ngayon, kasali ka na. Ang pag-aaral na ito ay tatalakayin sa labas na ito at sa susunod na 23 labas ng “Gumising!”