Pahina Dos
ANG MGA TAO AY higit at higit na nakababatid tungkol sa pagpaparumi sa lupa. Ang mga siyentipiko ay nagbababala tungkol sa mga kahihinatnan. Pinapatay ng pag-ulan ng asido ang mga kagubatan at mga isda, binubutas ng mga latang nag-iisprey ang ozone layer, nilalason ng nakalalasong mga kemikal ang lupa, pinipinsala ng itinatambak na basura at natapong langis ang mga karagatan, iniinit ng mga gatong na fossil ang lupa—ang maraming aklat tungkol sa paksang ito ay hindi nakagawa ng dokumento sa lahat ng pinsalang nagawa. Ang hindi nalalaman ng karamihan sa mga tao ay ang tungkol sa pangunang sanhi ng polusyon—ang pagguho ng moralidad. Nangyari na ito noon. “Ang lupa ay naghihirap dahil sa mga kasalanan ng bayan. Ang lupa ay nanghihina, ang mga ani ay nalalanta, ang langit ay ayaw umulan. Ang lupa ay nadumhan dahil sa krimen; pinilipit ng bayan ang mga batas ng Diyos at nilabag ang kaniyang walang-hanggang mga utos.”—Isaias 24:4, 5, The Living Bible.