“Ito’y Malaking Tulong sa Guro!”
Ang pinuno ng isang departamento sa isang paaralan sa Durban, Timog Aprika, ay nagsabi na regular niyang binabasa ang Awake! Dahil sa edukasyonal na halaga ng magasin sa napakaraming paksa, siya’y nagtanong kung maaari siyang kumuha ng isang taóng suplay nito. Nang ang pinabalatang tomo ng Awake! ay dalhin sa kaniya, siya’y bumulalas: “Ito’y malaking tulong sa guro! Sasabihin ko sa lahat ng aking mga guro na ito ang dapat na mayroon sila sa kanilang aklatan.”
Hiniling ng lalaki na sa pagtatapos ng bawat taon, isang pinabalatang tomo ng mga magasin ay dalhin sa kaniya. Nang sabihin sa kaniya na ang tomo ay ₱84, sabi niya: “Tama lang iyan para sa lahat ng kahanga-hangang mga artikulong nilalaman nito! Yaong mga artikulo tungkol sa mga bata at kung paano makikipagtalastasan sa kanila ay talagang kapaki-pakinabang. Sa katunayan, lahat ng mga artikulo ay nakapagtuturo at isang kasiyahang basahin.”
Ang pinabalatang tomo ng 1988 na Awake! ay makukuha na ngayon, gayundin ang pinabalatang tomo ng The Watchtower, ang kasamang magasin ng Awake! Tanggapin ang inyong mga tomo sa pamamagitan ng pagsagot at paghuhulog sa koreo ng kalakip na kupon.
Markahan ang alinman sa kahon, o ang dalawang kahon, at ipadala ang tamang kontribusyon. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa sangay ng Watch Tower doon para sa impormasyon.)
[ ] Pakisuyong padalhan ako ng pinabalatang tomo ng 1988 Awake! Ako’y naglakip ng ₱84.
[ ] Pakisuyong padalhan ako ng pinabalatang tomo ng 1988 Watchtower. Ako’y naglakip ng ₱84.