Pahina Dos
May isang pambuong-daigdig na pagkahilig sa mga parke. Angaw-angaw ang nagkakalipumpon sa mga ito sa bawat taon. Mula nang ang Yellowstone (makikita rito) ay naging ang kauna-unahang pambansang parke ng daigdig noong 1872, mahigit na isang daang mga bansa ang nagtatag ng mga 2,000 protektadong dako, halimbawa, ang Glacier National Park sa Estados Unidos (makikita sa pabalat).
Bakit gayon na lamang ang pagkabighani ng mga tao sa mga parke? Ang lupa kaya ay maaaring maging isang pambuong-daigdig na parke? Ano ang mga panganib sa maraming parke, at paano kayo masisiyahan dito nang walang panganib? Hindi lamang sinasagot ng labas na ito ng Gumising! ang mga tanong na ito kundi ipinaliliwanag din nito kung paanong ang mga panganib na inihaharap ngayon ng mga hayop ay aalisin sa takdang panahon.