Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 10/22 p. 21-22
  • Isang Mapaniniwalaang Kinabukasan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Mapaniniwalaang Kinabukasan
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pananampalataya at ang Iyong Kinabukasan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Nakaaapekto ba sa Buhay Mo ang mga Bituin?
    Gumising!—2012
  • Ano Mayroon ang Kinabukasan Para sa Akin?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas
  • Ang mga Bituin at ang Tao—May Kaugnayan Ba?
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 10/22 p. 21-22

Isang Mapaniniwalaang Kinabukasan

“Kung saan walang pangitain ang bayan ay sumasamâ,” sabi ng isang manunulat ng Bibliya noong una. (Kawikaan 29:18, “The Jerusalem Bible”) Kailangan ng mga tao ang pangitain, isang pag-asa sa isang maaliwalas na kinabukasan. Kung hindi sila ay napapasamâ at nagiging magulo. Subalit mayroon ba tayong mapaniniwalaang kinabukasan?

Ang paksa para sa timpalak sa sanaysay ng Voice of Democracy nitong nakaraang taon ay “Paghahanda para sa Kinabukasan ng Amerika.” Ang nagwagi ng unang gantimpala sa pandistritong antas sa estado ng Virginia ay isang 16-anyos na babae, isa sa mga Saksi ni Jehova. Siya rin ay inanyayahan sa isang lokal na miting ng Veterans of Foreign Wars, kung saan ipinahayag niya ang kaniyang sanaysay sa halos isang daang mga beterano. Ang sanaysay ay lumitaw sa lokal na “Saltville News-Messenger,” ng Disyembre 15, 1988. Basahin ang kaniyang sanaysay, at tingnan mo kung bakit ang kabataang ito ay talagang naniniwala na mayroong isang magandang kinabukasan.

“Ilarawan mo ang iyong sarili sa paraiso. Ikaw ay nasa parang na may pelus, at luntiang damo sa ilalim ng iyong paa. Sa tabi mo ang isang nakasisindak na talón ng tubig na nahuhulog sa mga bato sa gilid ng burol. Sa itaas ay nakabitin ang magagandang punungkahoy ng weeping-willow na may kumpol ng mga bulaklak na lila na lumilikha ng pinakamabangong halimuyak. Sa malayo ay nakikita mo ang usang nanginginain ng damo. Isang osong grizzly ang lumalapit sa iyo at hinahayaan kang haplus-haplusin at pangkuin ang balahibo nito. Ang mga bird of paradise ay umaawit ng magandang awit. Hindi ba kahanga-hanga iyan? Anong pagkaganda-gandang kinabukasan na aasahan!

“Ano ang wala sa larawang iyon? Hindi ko sinabi sa inyo ang tungkol sa basag na salamin at mga lata ng soda na nagpaparumi sa batis sapagkat wala ito roon. Hindi ko binanggit sa inyo ang tungkol sa nag-aalalang tingin sa inyong mukha dahil sa takot sa digmaang nuklear sapagkat wala ito roon. Hindi ko sinabi sa inyo ang malungkot na katotohanan na kayo ay mamamatay sa loob lamang ng dalawang buwan dahil sa AIDS sapagkat hindi rin iyan totoo. Ngayon kilalanin mo kung aling tanawin ang totoo. Hindi magiging mahirap. Ngayon alin ang kinabukasan para sa mga Amerikano?

Sa loob ng mahigit na 40 taon, mula noong 1945 hanggang 1985, ang Amerika ay gumawa ng 60,000 nuclear warheads, na nagkahalaga sa bansa ng $82 bilyon. Iyan ay 1,500 sa isang taon at apat na sandata sa isang araw. Ang salitang ‘polusyon’ ay nagsasalita sa ganang sarili. Mga saksi tayo sa ating sariling kapaligiran at doon sa kalapit na mga bansa. May kalapit na ilog na bumabagtas sa ilang mga bansa na hindi umaagos at mabaho dahil sa kemikal na polusyon. Nasaan ang hangganan ng Amerika ng pagkalaki-laking lupa na namasdang mabuti ng unang mga manggagalugad? Tinatayang sa taóng 2000 tatlong-kapat ng lumalagong populasyon ay mamumuhay sa mga lungsod.

“Mayroon ding labis-labis na pagguho sa moralidad. Bunga ng mga taon ng kahandalapakan, sa New York lamang 250,000 hanggang 400,000 ang nahawaan ng AIDS. Ito’y nagkakahalaga sa biktima ng $50,000 bawat taon. Ang mababang mga pamantayang moral ay nangangahulugan din na mayroong 12 milyong aktibo sa sekso na mga kabataan sa Amerika ngayon. Hindi kataka-taka na ang Amerika ay kilala sa pagkakaroon ng pinakamaraming pagbubuntis ng mga tin-edyer sa gitna ng mga bansang industrialisado. Nariyan din ang kawalang-katapatan. Mga bandido ng oras, o mga empleadong nagnanakaw ng panahon sa kompaniya, ay nakadaragdag sa Amerika ng gastos na $170 bilyon sa bawat taon.

“Ito ang mga problema na nalalaman natin at na dapat nating harapin na lahat. Ipagpapalagay nang ito ay nakapanlulumo, subalit mayroon akong narinig na dating tula na kababasahan, ‘Dalawang lalaki ang tumingin sa labas ng bilangguan, nakita ng isa ang butas na punô ng putik, nakita naman ang isa ang mga bituin.’ Upang malutas ang mga problemang ito dapat tayong tumingin sa mga bituin, ibig sabihin na tayo ay dapat na magkaroon ng positibong saloobin. Sa loob ng libu-libong taon ang tao ay nagtatag ng mga gobyerno, bawat isa’y kakaiba subalit walang nagtatagumpay o nagtatagal. Isang propeta ang minsa’y nagsabi, ‘Hindi para sa tao ang magtuwid kahit ng kaniyang mga hakbang.’ Isang pantas na hari ang nagsabi na pinangibabawan ng tao ang tao sa kaniyang kapahamakan. Upang magkaroon ng kinabukasan dapat tayong tumingin sa mga bituin, hindi sa mga bituin sa bandila, at hindi sa mga bituin na sinasabi ng mga astrologo na pinagmumulan ng kinabukasan, kundi dapat tayong tumingin sa kabila pa roon sa mas nakatataas na pinagmumulan, ang ating Maylikha.

“Ang ating Maylikha ay nangangako sa Awit 46:9 na wawakasan niya ang mga digmaan. Sa Apocalipsis kabanata 11 at talatang 18 tinitiyak niya sa atin na ipapahamak niya ang mga nagpapahamak sa lupa. Makapagtitiwala rin tayo sa katuparan ng Daniel 2:44, na nagsasabi tungkol sa isang kaharian, isang gobyerno na magtatagal magpakailanman. Ang sakdal na gobyernong ito ang siyang gagawa sa lupa na gaya ng inilarawan namin sa simula ng talumpating ito.

“Kapag pinag-aaralan natin ang Bibliya, nalalaman natin kung ano ang inilalaan sa atin ng Diyos na Jehova sa hinaharap. Kinikilala ni Presidente Reagan na ito ay totoo sapagkat siya ay lumagda sa isang resolusyon nong 1983 na ipinasa sa dalawang kapulungan ng Kongreso na bumabanggit sa 1983 bilang ang pambansang ‘Taon ng Bibliya.’ Kinikilala ng resolusyong ito ang ‘pambansang pangangailangan upang pag-aralan at ikapit ang mga turo ng Banal na Kasulatan.’ Si G. Reagan ay nagtanong, ‘Maipapasiya ba natin na abutin, alamin at sikaping sundin ang pinakadakilang mensahe na kailanma’y naisulat, ang Salita ng Diyos at ang Banal na Bibliya? Sa loob ng mga pahina nito naroon ang mga sagot sa lahat ng mga problema na nakilala ng tao.’

“Gunigunihin muli ang isang paraiso. Iyan ang kinabukasan na pinaniniwalaan ko, kapag ang mga tao ay pinakikilos ng pag-ibig, katapatan at kataimtiman. Ang mga problema ng Amerika ay hindi natatangi sa Amerika. Gayunding mga problema ang nadarama sa buong daigdig. Ito ay makikita sa basta pagbasa sa pahayagan o panonood sa panggabing mga balita ni Tom Brokaw. Ang tanging paraan upang lutasin ang mga problemang ito ay tumingin sa ating Maylikha. Ang kaniyang orihinal na layunin sa lupa ay na ito ay maging isang paraiso. Natatandaan mo ba ang Halamanan ng Eden, kung saan inilagay sina Adan at Eva? Naniniwala ako na tutuparin niya ang layuning iyan. Kailangan lamang magtiwala tayo sa kaniya. Kaya ating alamin kung ano ang inihuhula ng Bibliya at buong tiwalang umasa sa isang magandang kinabukasan.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share