Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 10/22 p. 32
  • Bakit Kaliligtaan ang mga ito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Kaliligtaan ang mga ito?
  • Gumising!—1989
Gumising!—1989
g89 10/22 p. 32

Bakit Kaliligtaan ang mga ito?

Samantalang nakapila sa isang bangko sa New York City, isang babaing nasa katanghaliang-gulang ang nakapuna sa isang lalaking nakapila sa harap niya na nagbabasa ng magasing Bantayan. Ang babae ay sabik na basahin ang artikulo roon tungkol sa panalangin, kaya tinandaan niya ang petsa ng magasin.

Pagkalipas ng ilang araw, siya’y dinalaw sa kaniyang tahanan ng mga Saksi ni Jehova, at ang tanong niya: “Mayroon ba kayong petsa Hulyong labas ng Ang Bantayan?” Pagkatapos malaman kung bakit siya interesado sa isang partikular na magasin, isa sa mga Saksi ang nagsabi: “Ang pinakamagaling na paraan upang huwag makaligtaan ang anumang kawili-wiling labas ng magasin ay ang sumuskribe.”

“Hindi ko alam na puwede pala!” ang bulalas ng babae. Nang sabihin sa kaniya na ang isang taóng suskripsiyon ay ₱60, ang sagot niya: “Sigurado ba kayo? Ito’y ₱60 lamang sa buong taon?” Nang tiyakin sa kaniya na gayon nga, sinabi niyang hindi lamang Ang Bantayan ang gusto niya kundi pati ang kasama nitong magasin, ang Gumising! “Sigurado ba kayong makukuha ko ang kapuwa mga magasing iyan sa halagang ₱120 lamang?” ang tanong niya muli.

Natuwa ang babaing iyon nang siya ay isuskribe ng Saksi. Kayo rin ay maaaring tumanggap sa inyong tahanan ng mga magasing Bantayan at Gumising! Magpadala lamang ng ₱120, at kayo’y tatanggap ng kapuwa mga magasing iyan (apat na sipi sa isang buwan) sa loob ng isang taon.

Pakisuyong padalhan ako ng isang taóng suskripsiyon sa Ang Bantayan at Gumising! Ako’y naglakip ng ₱120. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa kailangang impormasyon.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share