Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 2/8 p. 31
  • Ang Lumalalang Kapaligiran

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Lumalalang Kapaligiran
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Kayumanggi
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ang Paghahanap ng Isang Bagong Sanlibutang Kaayusan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Populasyon ng Daigdig—Kumusta ang Kinabukasan?
    Gumising!—1991
  • Pakikinggan Mo ba ang Babala ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 2/8 p. 31

Ang Lumalalang Kapaligiran

‘Hanggat walang anumang ginagawa sa lalong madaling panahon, maaasahan natin ang laganap na pagbaba ng ekonomiya at kaguluhang panlipunan’

IYAN ang mensahe ni Lester Brown, pangulo ng Worldwatch Institute, isang grupo ng mga mananaliksik ng kapaligiran. Ang kaniyang mga komento ay ginawa sa isang taunang ulat ng “kalagayan-ng-daigdig.”

Ang kapaligiran ng daigdig, sabi ni Brown, ay patuloy na lumalalâ. Malibang ang mga banta ng pagkaubos ng ozone, tagtuyot, pagkalbo ng mga gubat, pagguho ng lupa, at pagdami ng populasyon ay mapigilan, “hindi maiiwasan ang pagguho ng ekonomiya.” Sinabi niya na ang pandaigdig na produksiyon ng pagkain ay bumaba ng may 14 porsiyento bawat tao mula noong 1984 at na ang mga imbak ng butil ay nasa pinakamababang dami ng mga ito sa loob ng 15 taon.

Sinabi rin ni Brown: “Kulang na ang panahon. . . . Kailangang gawin natin ito sa 1990’s. Pagkaraan niyaon ay magiging lubhang huli na. . . . Ang gigising sa atin nang may pagkabigla ay na mayroong na naman tayong pag-aaning kaugnay ng tagtuyot. At masusumpungan nating wala na tayong butil na mailuluwas, at ang pagdoble o pagtriple ng mga halaga ng butil. Ang sunud-sunod na pagyanig sa ekonomiya ay gagawa sa mga kakulangan ng langis na mistulang isang piknik.” Sabi pa niya: “Lubhang huli na ang lahat para sa iba sa Aprika. Wala nang pag-asang magkaroon pa ng pagbabago roon. . . . Marahil ang Latin Amerika ang susunod.”

Ang gayong mga pangyayari ay kasuwato ng mga hula sa Bibliya na bumabanggit tungkol sa taggutom, sakit, digmaan, at kamatayan, na “ipinapahamak [ng tao] ang lupa” sa ating panahon. Inihula ni Jesus na ito’y sasapit sa sukdulan sa isang “malaking kapighatian na hindi pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanlibutan.” Iyan ay mangangahulugan ng wakas ng kasalukuyang sistema ng mga bagay na ito, hinahawan ang daan para sa isang bagong sanlibutang gawa ng Diyos.​—Apocalipsis 6:​1-8; 11:​18; Mateo 24:​21; 2 Pedro 3:​10-13.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share