Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 2/22 p. 32
  • Isang Bagong Ensayklopedia sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Bagong Ensayklopedia sa Bibliya
  • Gumising!—1990
Gumising!—1990
g90 2/22 p. 32

Isang Bagong Ensayklopedia sa Bibliya

Marami ang sumulat na upang magpahayag ng kanilang pagpapahalaga sa bagong ensayklopedia sa Bibliya na kanilang tinanggap. “Anong kahanga-hangang tulong sa pananaliksik ang dalawang bagong tomong Insight on the Scriptures!” ang natutuwang sabi ng isang manunulat mula sa Wisconsin, E.U.A. “Tunay na ito’y isang kahanga-hangang regalo, na aking pakamamahalin magpakailanman at sisikapin kong gamitin na lubusan,” ang isinulat ng isang babaing taga-Jamaica, West Indies.

Ang dalawang tomo ng Insight on the Scriptures ay may kabuuang 2,560 pahina sa malinaw, madaling basahin na tipo. Ang libu-libong artikulo nito ay nakaayos ayon sa abakada at madaling maintindihan. Ang mga ito ay tungkol sa mga tao, lugar, halaman at mga hayop, mahalagang mga pangyayari, makatalinhagang mga pananalita sa Bibliya, at ang ulat ng mga pakikitungo ng Diyos sa sangkatauhan.

Limampu’t-tatlong mga paksa ang binuo bilang natatanging pitak na may hustong kulay. Marami sa mga ito ay kinabibilangan ng mga mapa at mga larawan ng heograpikong lokasyon at mga displey sa museo, gayundin ng iba pang mga gawang sining na dinisenyo upang tumulong sa iyo na gunigunihin ang mga pangyayari sa Bibliya. Mahalagang sandigan at nagpapaliwanag na materyales ang inilaan para sa mahigit na 3,500 mga teksto sa Bibliya. Kasali na ang mga indise ng paksa, teksto, at lokasyon sa mapa.

Tatanggap kayo ng mahalagang dalawang-tomong ensayklopediang ito kung ihuhulog ninyo sa koreo ang kalakip na kupon kasama ng inyong abuloy na ₱200 lamang.

Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng dalawang-tomong ensayklopedia sa Bibliya na Insight on the Scriptures. Ako’y naglakip ng ₱200. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share