Isang Pangyayaring Dapat Alalahanin!—Martes, Abril 10
Ito ay Nisan 14 ng taong 33 C.E. Ibinabahagi ni Jesus ang isang saro ng alak at isang tinapay na walang lebadura sa kaniyang mga apostol. Ang kaniyang tagubilin? “Patuloy na gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin.”—Lucas 22:19.
Kaya, minsan sa isang taon, ang mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig ay nagtitipon upang alalahanin ang kamatayan ni Jesus sa paraan na itinagubilin niya noong gabi nang banggitin niya ang pangungusap na iyon. Sa taóng ito, ang Nisan 14 ay nagsisimula sa Martes, Abril 10, paglubog ng araw. Kayo ay malugod na inaanyayahan na makisama sa amin sa pulong na ito ng pag-alaala sa gabing iyon ng Martes. Pakisuyong alamin sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar ang eksaktong oras at dakong pagpupulungan.