Pagbibigay-matuwid sa Kakilabutan ng Digmaan
ANG digmaan ay inilarawan ng JAMA (Journal of the American Medical Association) noong 1988 bilang “ang pinakakakila-kilabot na parusa ng ika-20 siglo.” Tinatayang 90 milyon katao ang napatay sa mga digmaan sa ika-20 siglo. Ayon sa kasaysayan, halos 50 porsiyento ng mga kamatayang nauugnay-digmaan ay mga sibilyan, subalit ang persentahe ay lubhang tumaas. Noong mga taon ng 1970, ang mga sibilyan ay sinasabing bumubuo sa 73 porsiyento ng mga kamatayan, at noong mga taon ng 1980, sa 85 porsiyento nito.
Paano nga bibigyang-matuwid ng mga tao ang gayong lansakang pagpatay ng mga sibilyan? Sa kahawig na paraan na binigyang-matuwid ng naunang mga Amerikano ang pang-aalipin. Ayaw nilang kilalanin ang mga biktima na mga tao. Ang aklat-araling The Sociology of Social Problems ay nagsasabi: “Ang simulaing ‘lahat ng tao ay pantay-pantay’ ay hindi kumakapit sa mga Negro, yamang sila ay mga ‘pag-aari,’ hindi mga tao.” Sa gayunding paraan, binanggit ng artikulo sa JAMA na tinatanggihan ng mga bansa “ang ganap na katauhan ng mga biktima, karaniwang tinatakdaan ang kanilang pagkakakilanlan sa isang-katangiang katawagan na sinasabing banta sa pagkasoberano ng bansa: siya ay hindi na isang lalaki, ama, mang-uukit ng kahoy, hamak na magsasaka, kundi isang burgis; siya ay hindi na isang babae, estudyante, anak na babae, mahilig sa tula, kundi isang Marxista.”
Ang nasyonalismong suportado-ng-klero ay may malaking pananagutan sa katakut-takot na mga pagpatay, gaya ng kinikilala ng Katolikong mananalaysay na si E. I. Watkin: “Anuman ang opisyal na teoriya, sa gawain ‘ang aking bayan ay laging tama’ ang naging simulaing sinusunod kung panahon ng digmaan ng mga Obispong Katoliko. . . . Kung ang pag-uusapa’y ang mapanlaban na nasyonalismo, sila’y nagsalita bilang tagapagsalita ni Cesar.”
[Picture Credit Line sa pahina 31]
U.S. Army