Pahina Dos
Nitong nakalipas na mga dekada, pinili ng tao ang isang istilo ng buhay na nagbunga ng lansakang polusyon sa nabubuhay na mga kinapal at sa kapaligiran (biosphere) ng lupa—ang lupa, ilog, karagatan, at atmospera ay nalason. Ang problema ay totoong pandaigdig. Gaya ng sinabi ng papa sa kaniyang mensahe sa Pandaigdig na Araw ng Kapayapaan (Enero 1, 1990): “Sa maraming kaso ang mga epekto ng ekolohikal na mga suliranin ay lampas pa sa mga hangganan ng indibiduwal na mga Estado; kaya ang lunas nito ay hindi masusumpungan sa pambansang antas lamang.”—L’Osservatore Romano, Disyembre 18-26, 1989.
Ang kawalang-interes ng tao sa kaniyang kinabukasan ay kaibang-kaiba sa pagmamalasakit ng Diyos sa lupa, na, sa paano man, ay kaniyang nilalang at pag-aari. (Isaias 45:18) Posible ba ang isang malinis na lupa? Kung posible, papaano at kailan? Sasagutin ng aming serye ang mga katanungang ito.