Pahina Dos
Sa buong daigdig, libu-libong mga artikulo sa mga pahayagan at mga magasin, gayundin sa mga programa sa radyo at telebisyon, ang nag-ulat ng tungkol sa AIDS, ang nakasisindak na bagong salot ng ating panahon.
Dahilan sa publisidad na ito at sa nakamamatay na katangian ng AIDS, marami ang nagsusuring-muli ng kanilang istilo-sa-buhay. Ito ba’y isang pagbabalik sa makalumang moralidad? Gaano kahalaga ang mga pamantayang pumapatnubay sa ating mga buhay? Ang pambungad na mga artikulo ng kabalitaan ng Gumising! sa Pransiya ay sumisiyasat sa mga katanungang ito.