‘Alam Niya ang Lahat ng Sagot sa Bibliya’
Ilang panahon na ang nakalipas isang babae sa Estado ng New York ang nagpadala sa isang dating kaklase, na nagpamilya, ng isang kopya ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Pagkatapos ang babae ay tumanggap ng isang liham buhat sa kaniya kung saan isinulat niya ang tungkol sa kaniyang anak na si Elizabeth:
“Gustung-gusto niya ang aklat—ito lamang ang aklat na nais niyang basahin ko sa kaniya sa gabi. Binabasahan ko siya ng limang kuwento (sapagkat siya’y limang taon) sa isang gabi, at noong nakaraang linggo sinabi sa akin ng kaniyang guro sa Sunday-school na lagi niyang maaasahan na alam ni Elizabeth ang lahat ng sagot sa mga tanong sa Bibliya. Kaya malamang na ito ay isinulat ng isa na talagang nakauunawa sa kung ano ang gusto ng mga bata.”
Ganito ang sabi ng babae sa New York tungkol sa kaniyang kaibigan: “Ito ang kaniyang tunay na reaksiyon, yamang siya ay prangka at hindi niya pupurihin ang isang aklat kung hindi niya naiibigan ito.”
Inaakala naming magugustuhan mo rin ang maganda ang pagkakalarawan, malaking-titik na publikasyong ito. Ang 116 na mga ulat nito ng Bibliya ay nagbibigay sa mambabasa ng ideya sa kung ano nga ba ang Bibliya. Ang mga kuwentong ito ay lumilitaw ayon sa pagkakasunud-sunod ng pangyayaring naganap sa kasaysayan. May kaugnayan sa iba pang mga pangyayari, masusumpungan mong ito’y talagang nakatutulong sa pag-aaral kung kailan nangyari ang mga bagay sa kasaysayan. Tanggapin ang mahalagang 256-pahinang aklat na ito sa pagsagot at paghuhulog sa koreo ng kupon.
Nais kong tumanggap ng pinabalatang aklat na Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa sangay ng Watch Tower doon para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 4.)