Pahina Dos
Ang mga taong nabubuhay sa ika-20 siglo ay mas nakaaalinsabay sa balita kaysa mga sinundan nila. Gayunman, nakatitiyak ba tayo na ang balitang ating tinatanggap ay laging tama? May dahilan bang maniwala na ang balita kung minsan ay dinodoktor upang magsilbi sa kapakanan ng mga tagapag-anunsiyo, pulitiko, o iba pa? At mayroon ba tayong hindi nababalitaang mahalagang balita na hindi maaaring kunin sa pamamagitan ng karaniwang pinagmumulan ng balita? Isasaalang-alang ng Gumising! ang mga tanong na iyan sa susunod na mga artikulo.