Pahina Dos
“HALOS sangkalima ng mga maninirahan sa lupa ay mga kabataan na ang edad ay sa pagitan ng 15 at 24.” Gayon ang ulat ng UN Chronicle. Tinataya na sa pasimula ng bagong dekadang ito, ang populasyon ng mga kabataan ng daigdig ay umabot ng isang libong milyong punto! Ang mga kabataan ngayon ay kapuna-puna—isang malakas na puwersa na dapat isaalang-alang.
Iniulat ng Psychology Today ang tungkol sa isang surbey ng 6,000 kabataan sa sampung iba’t ibang bansa. Nasumpungan na sa kabila ng malaking pagkakaiba sa kalagayan sa buhay at kultura, ang mga kabataan ay nagpakita ng mga saloobin at pamantayan na “lubhang pare-pareho.” Mula sa mga surbey na iyon lumitaw ang isang pangglobong larawan ng kabataan ngayon, at ang isinisiwalat nito ay baka lubhang makasorpresa sa iyo.