“Ang Pinakamagaling na Aklat sa Siyensiya na Nabasa Ko”
Iyan ang palagay ng isang dating ebolusyunista tungkol sa kaakit-akit na aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Sulat niya:
“Bilang isang dating estudyante ng siyensiya, ako’y natigilan sa pagkamangha sa malinaw na pagpapaliwanag at lakas ng aklat na ito. Tuwang-tuwa ako sa nakasisindak na mga paglalarawan sa sansinukob, sa mga galaksi, at sa lahat ng masalimuot na mga detalye na gumagawang posible sa buhay sa planetang Lupa. Ako’y nagtataka at natutuwa sa dami ng nakaaantig-pusong impormasyon tungkol sa buhay hayop at sa katutubong karunungan na pawang nasa paligid natin. At ako’y nagiging hamak sa paglalarawan sa utak ng tao at sa kahanga-hangang mga gawa nito.
“Kahit na kung ang aklat na ito ay hindi nakatulong sa isang tao na lutasin ang tanong tungkol sa ebolusyon laban sa paglalang, inaakala ko na ito ang pinakamagaling na aklat sa siyensiya na nabasa ko para sa pagkakaroon ng pagpapahalaga sa buhay at sa kasalimuutan ng nabubuhay na bagay. Ito’y totoong makasiyentipiko, gayunma’y nasa antas na mapahahalagahan ng sinuman.”
Kung nais mong tumanggap ng maganda ang pagkakalarawang 256-pahinang aklat na ito, pakisuyong sagutan at ihulog sa koreo ang kalakip na kupon.
Nais kong tumanggap ng aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa sangay ng Watch Tower doon para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 4.)