Dapat ka Bang Maniwala sa Trinidad?
Tinalakay ni Ian Boyne, isang manunulat sa relihiyon para sa The Sunday Gleaner, Jamaica, West Indies, ang isang brosyur kamakailan na inilathala ng mga Saksi ni Jehova, na nagsasabi sa bahagi:
“Ang mga Saksi ay karapat-dapat tumanggap ng ‘A’ para sa dokumentong ito na, bagaman napakasimple ang pagkakasulat anupa’t ito’y maaaring basahin ng isang tinedyer, ay pinaganda—nang walang pagpapakalabis—ng mga sinipi mula sa kagalang-galang ng mga iskolar at mga aklat. . . . Ang publikasyong Dapat Ka bang Maniwala sa Trinidad? ay isang bihasang pagkilos ng mga Saksi, at ngayon walang Trinitaryo—o naniniwala sa dalawang persona—ang ligtas. Isinalansan ng pulyeto ang mga sinipi mula sa makasaysayan at teolohikal na mga aklat upang ipakita na ang doktrina ng Trinidad ay hindi galing sa Bibliya. Sinisipi nito ang kapani-paniwalang Encyclopedia of Religion na nagsasabi, ‘Ang mga teologo ay sumasang-ayon na hindi rin masusumpungan sa Bagong Tipan ang doktrina ng Trinidad.’”
Sinabi rin ni Boyne: “Napakahirap para sa manunulat na ito ng relihiyon na maunawaan kung papaanong ang karaniwan—o kahit na ang nakahihigit sa karaniwang miyembro ng relihiyong ito—ay nakasasagot sa namimilit at nag-uutos na mga argumento na ibinibigay ng mga Saksi laban sa opinyon na si Jesus ay Diyos.”
Kung nais mong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na ito, pakisuyong punan at ihulog sa koreo ang kalakip na kupon.
Nais kong tumanggap ng 32-pahinang brosyur na Dapat Ka bang Maniwala sa Trinidad? (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa sangay ng Watch Tower doon para sa impormasyon. Tingnan sa pahina 4.)
[Picture Credit Line sa pahina 32]
Museo Bardini, Florence