Isang Pagdiriwang na Hindi Ninyo Dapat Kaligtaan
“Patuloy na gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin.” Ang mga salitang iyan ng ating Panginoong Jesu-Kristo, nasa Lucas 22:19, ay binigkas nang itatag niya ang alaala ng kaniyang kamatayan. Ang kamatayan ni Jesus ang nagbukas sa sangkatauhan ng pag-asang magtamo ng walang-hanggang buhay sa mga kalagayan sa Paraiso. Kaya ang kaniyang kamatayan ay kailangang alalahanin natin. Aalalahanin ba ninyo iyan sa taóng ito?
Pakisuyong tanggapin ang imbitasyong ito buhat sa mga Saksi ni Jehova sa pag-aalaala sa mahalagang pagdiriwang na ito. Ito’y pagkalubog ng araw sa petsang katugon ng Nisan 14 sa kalendaryong lunar sa Bibliya. Markahan ang petsa sa inyong kalendaryo para huwag makalimutan. Ito’y Sabado, Marso 30, 1991. Ang nagbibigay sa inyo ng imbitasyong ito ang makapagsasabi ng eksaktong lugar na pagtitipunan pati oras.