Ano ang Pinaniniwalaan ng mga Saksi ni Jehova?
Sinabi ng mga lider ng pamayanan sa unang-siglong Roma sa Kristiyanong apostol na si Pablo: “Ibig naming marinig sa iyo kung ano ang iyong iniisip, sapagkat tungkol sa sektang ito’y talastas naming sa lahat ng mga dako ay laban dito ang mga salitaan.” (Gawa 28:22) Nais malaman ng mga taong iyon mula sa pinagmumulan, sa halip na sa mga kritiko lamang sa labas.
Ngayon, ang mga Saksi ni Jehova ay kadalasang pinagsasalitaan din ng laban, at mali ngang matutuhan ang katotohanan tungkol sa kanila mula sa may di-matuwid na opinyong pinagmumulan ng impormasyon. Kaya kami’y nasisiyahang ialok ang 32-pahinang brosyur na Jehovah’s Witnesses in the Twentieth Century, na naglalarawan sa mga paniwala at mga gawain ng mga Saksi ni Jehova. Kung nais ninyo ng impormasyon kung paano tumanggap ng isang kopya, pakisuyong punan at ihulog sa koreo ang kalakip na kupon.
Nais kong tumanggap ng 32-pahinang brosyur na Jehovah’s Witnesses in the Twentieth Century. (Tingnan ang direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa sangay ng Watch Tower doon para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 5.)