“Kailanma’y Hindi Pa Ako Nakakita ng Gayong Organisasyon”
“Sinuri ko na ang iba’t ibang relihiyon at mga sekta,” sulat ng isang lalaki mula sa Mexico. “Subalit kailanma’y hindi pa ako nakakita ng gayong organisasyon.” Katatapos lamang basahin ng lalaki ang brosyur na Mga Saksi ni Jehova—Nagkakaisang Paggawa ng Kalooban ng Diyos sa Buong Daigdig. Sabi niya: “Ang nakatawag sa akin ng pansin ay ang dibdiban ninyong pagtupad sa atas na ipangaral ang mabuting balita na Kaharian sa bahay-bahay, sa trabaho, sa lansangan, sa mga bus. Kahanga-hangang makasumpong ng mga taong dinidibdib nang husto ang kalooban ng Diyos sa panahong ito ng labis na relihiyosong pagpapaimbabaw.”
Alamin kung ano ang pinaniniwalaan ng mga Saksi ni Jehova at kung paano sila organisado sa buong daigdig. Kung nais mong malaman kung paano tatanggap ng isang kopya ng 32-pahinang brosyur na Mga Saksi ni Jehova—Nagkakaisang Paggawa ng Kalooban ng Diyos sa Buong Daigdig, pakisuyong punan at ihulog sa koreo ang kupon sa ibaba.
Nais kong malaman kung paano tatanggap ng 32-pahinang brosyur na Mga Saksi ni Jehova—Nagkakaisang Paggawa ng Kalooban ng Diyos sa Buong Daigdig. (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa sangay ng Watch Tower doon para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 5.)