Pagsasaya sa Unyong Sobyet
ANG munting batang babae na ito sa Lvov ay may dahilan upang magsaya. Siya ay isa sa 74,252 tao na malayang nagtipon sa Unyong Sobyet upang masiyahan sa kombensiyong Kristiyano at tumanggap ng isang kopya ng magandang bagong publikasyong ito na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa wikang Ruso. Bagaman ang mga Saksi ni Jehova ay hindi pa kailanman napahintulutang magdaos ng mga kombensiyon sa Unyong Sobyet, noong nakaraang tag-araw sila ay nagdaos ng pito. Ang bilang ng dumalo sa bawat lugar ay lumilitaw sa naunang pahina.
Isa sa mga lungsod na pinagdausan ng kombensiyon ay ang Alma-Ata, Kazakhstan, kung saan ang mga kombensiyunista ay nanggaling din sa mga republikang Sobyet ng Russia, sa Uzbekistan, Kirghizia, Tadzhikistan, at Turkmenistan. Sa Alma-Ata mahigit na 6,000 ang tuwang-tuwang tumanggap ng bagong aklat. Nang ang mahigit na 4,000 niyaong dumalo sa Usolye-Sibirskoye, Siberia, ay tumanggap bawat isa ng isang libre personal na kopya, ang manedyer sa istadyum ay nagsabi: “Ito’y isang himala!”
Sa Kiev, nang makita ng mga pulis at mga bombero ang aklat, sila’y nagsumamo para sa isang kopya, na ang sabi: “Tutal, pinangalagaan namin kayo; naroon kami na kasama ninyo sa kombensiyon.” Nais malaman ng isang kapitan ng pulis, “Saan ba ito inedit? Gaano karaming kopya ang inilimbag?”
Sa ngayon, mahigit na 12 milyong kopya ang nailimbag na sa mga 60 wika, kasali na ang hindi gaanong kilalang wika na gaya ng Bislama, Efik, Ewe, Ga, Igbo, Rarotongan, Sepedi, Shona, Tsonga, Tswana, Twi, at Venda.
Angaw-angaw sa buong daigdig ang nakasusumpong ng kasiyahan sa pagbabasa sa mahusay na bagong 448-pahinang publikasyong ito tungkol sa buhay at ministeryo ni Jesu-Kristo. Kung nanaisin ninyo ng higit pang impormasyon tungkol kay Jesus at sa kaniyang papel sa pagtupad sa mga layunin ng Diyos dito sa lupa, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.