Ang Pangmalas sa Buhay ng Isang Abugado
LIFE—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Angaw-angaw ang nag-iisip tungkol dito. Isang sinaliksik nang husto, 256-pahinang aklat na may pamagat na gaya ng nasa itaas ay inilathala noong 1985 upang suriin ang mga tanong na ito. Sa ngayon, mahigit na 26 na milyong kopya ng aklat ang nailimbag na sa 28 wika. Pagkatapos basahin ito, isang semiretiradong abugado ang sumulat bilang pagpapahalaga:
“Sa nakalipas na mahigit na dalawang taon, nabasa ko ito nang apat na beses at ako’y patuloy na humahanga sa lalim ng pag-aaral, karunungan, at dokumentasyon na ginugol sa paggawa nito.
“Pakisuyong patuloy na ilathala ito. Ang aklat na ito ay dapat na nasa kamay ng bawat tao sa daigdig. Kung mangyayari ito, lahat ng pamimintas at kalituhan tungkol sa ating pinagmulan at ang ateistikong mga paniwala ay magwawakas kaagad.
“Mayroon akong titulo kapuwa sa batas at agham pampulitika at kasaysayan at wala akong natatandaang aklat na napakaliwanag at mapuwersang binuo ang mga saligan nito. Ang bibliograpya ay walang katulad.”
Kung nais mo ng higit pang impormasyon tungkol sa pinagmulan ng buhay sa lupa at sa layunin nito, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.