‘Isinisiwalat Nito ang Misteryo’
Ang Trinidad ay tinatawag na isang misteryo, subalit isang mambabasa buhat sa Australia ang nagsasabi na ang brosyur na Dapat ba Kayong Maniwala sa Trinidad? “ay isinisiwalat ang misteryo at winawakasan ito.”
Sa New York isang dating guro sa programa na Pagkakaisa ng Doktrinang Kristiyano ng Iglesya Katolika Romana ay nagsabi na sana’y mayroon na ng brosyur na ito noon pa. Sa loob ng 15 taon, sabi niya, siya ay tumayo sa harap ng mga klase ng 30 hanggang 35 estudyante, mula 7 hanggang 12 taóng gulang, “gumuguhit ng tatlong-dahon na shamrock upang ituro sa kanila ang tungkol sa Trinidad—tatlong talulot para sa tatlong magkakaibang Persona, bawat Diyos, sa isang tangkay, bumubuo ng isang Diyos! Gayunman iyan ang sinabi sa akin ng mga madre at ng pari na gawin ko,” sulat niya.
“Naproblema ako tungkol dito noon,” patuloy niya. “Ngayon taglay ko ang tamang mga kasagutan at mga katotohanan mula sa Salita mismo ng Diyos. Kung sana’y matitipon ko ang lahat ng mga kabataang tinuruan ko at ipakita ko sa kanila ang katotohanan tungkol sa lahat ng mga bagay na ito!”
Marami ang lubhang nagpahalaga sa mahusay, dokumentado nang husto na brosyur na ito tungkol sa Trinidad, na nananatiling ang pangunahing turo ng karamihan ng mga relihiyon sa Sangkakristiyanuhan. Kabilang sa maraming sinipi sa brosyur ay yaong sinipi sa The New Encyclopedia Britannica, na ang sabi: “Hindi lumilitaw sa Bagong Tipan ang salitang Trinidad ni ang maliwanag na doktrina nito.”
Kung nais mo ng higit pang impormasyon o isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.