Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g92 7/8 p. 32
  • “Gising Na, Mundo!”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Gising Na, Mundo!”
  • Gumising!—1992
Gumising!—1992
g92 7/8 p. 32

“Gising Na, Mundo!”

SA PAMAMAGITAN ng nakagugulat na panimulang-pahinang titulong ito, ang Gumising! ay nagsimula, noong Agosto 22, 1946. Ang sirkulasyon nito noon ay wala pang 500,000 sa bawat labas sa sampung mga wika. Ngayon, mahigit na 13 milyon ang inilalathala sa 67 na mga wika. Subalit bakit ba inilalathala ang magasing ito? Paano ito idinisenyo upang tulungan ka, ang mambabasa, sa iyong pang-araw-araw na buhay?

Ang Gumising! ang humalili sa magasing Consolation (1937) at sa nauna rito, ang The Golden Age (1919). Bakit ang Golden Age ay dating inaakalang mahalagang kasama ng magasing Watch Tower 73 taon na ang nakalipas?

Ang unang labas ng The Golden Age, Oktubre 1, 1919, ay nagsabi: “Ang mga bansa ay nasa pulitikal, pinansiyal at sosyal na kagipitan. Bumabangon ang pang-araw-araw na mga problema, kung saan ang paglutas sa mga ito ay waring higit pa sa katalinuhan ng tao ang kakailanganin.” Isa pang napapanahong komento ay: “Sa lahat ng dako ang halaga ng pamumuhay ay pataas nang pataas at nakakaharap ng maraming tao ang kahirapan at gutom.” Kapansin-pansin, hindi ba ganiyan din ang nakakaharap natin ngayon?

Ang mga tagapaglathala ng Gumising!, bagaman itinutuon ang pansin sa mga problemang nagpapahirap sa daigdig, ay itinuturo ang tanging tunay at permanenteng lunas​—ang matuwid na paghahari sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pamahalaan ng Kaharian ng Diyos sa mga kamay ng binuhay-muling si Kristo Jesus. Kapuwa ang Hebreo at Kristiyanong Griegong Kasulatan ay humuhula sa panahon kapag magkakaroon ng “bagong mga langit at isang bagong lupa,” yaon ay, isang bagong espirituwal na pamamahala sa isang bagong lipunan ng mga tao rito sa lupa. (Isaias 65:17; 2 Pedro 3:13; Apocalipsis 21:1-4) Samantalang ibinabalita ang tungkol sa sekular na mga pangyayari at mga larangan ng kaalaman, patuloy na may katalinuhang itinuturo ng Gumising! ang lunas ng Diyos sa paghihirap ng tao. Palagian, tinutulungan nito ang mga mambabasa nito na makayanan ang mga panggigipit ng pang-araw-araw na buhay.

Kabilang sa ibang bagay, ang Gumising! ay nagdudulot ng kaaliwan sa mga nanlulumo at inabuso ng satanikong sistemang ito na kinabubuhayan natin. Makatotohanang masasabi natin, gaya ng labas noong 1946: “Narito, kung gayon, ang isang magasin na may pinakamataas na halagang pang-edukasyon para sa lahat ng taimtim at matuwid na mga tao ng lahat ng lahi, kredo at nasyonalidad.” Kung nais mo ng higit pang impormasyon tungkol sa magasing ito, pakisuyong makipagkita sa mga Saksi ni Jehova sa isang Kingdom Hall na malapit sa inyo, o sumulat sa tagapaglathala ng magasing ito. Tingnan ang pahina 5 para sa impormasyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share