Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g92 7/22 p. 32
  • “Naisulat Para sa Akin”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Naisulat Para sa Akin”
  • Gumising!—1992
Gumising!—1992
g92 7/22 p. 32

“Naisulat Para sa Akin”

IYAN ang sabi ng isang kabataang babae buhat sa St. Lucia sa West Indies tungkol sa aklat na Ang Iyong Kabataan​—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito. “Nang marating ko ang kabanata 5,” sabi niya, “nakita ko na ang impormasyon ay naisulat para sa akin. Ito’y tungkol sa masturbasyon at homoseksuwalidad.

“Ang masturbasyon ay isa sa pangunahing problema ko. Sa loob ng tatlong taon ako’y nakikipagpunyagi upang mapagtagumpayan ito. Akala ko nga ako lamang ang gumagawa niyan sa buong daigdig. Purihin ang Diyos sapagkat kayo’y sumulat ng mahalagang aklat na ito na nagbigay sa akin ng payo sa kung ano ang dapat gawin. Ikinakapit ko ang inyong mga solusyon.

“Ang ikalawa kong problema ay tungkol sa mga boyfriend. Nakaharap ko ang maraming kabiguan sa bagay na ito. Ang huli kong boyfriend ay may ibang nobya, at tila ba mas mahal niya ito kaysa akin. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.

“Gayunman, masasabi ko na kapag sumasama ang loob ko dahil sa aking mga kaibigan, lalo sa aking boyfriend, kinukuha ko ang aklat na ito at binabasa ito. Ito’y malaking tulong sa akin. Binigyan ako nito ng maraming payo na hindi ko kailanman naisip. Pagkatapos basahin ang maraming kabanata sa munting pulang aklat na ito, nauupo na lamang ako at naiiyak. Ako’y talagang naaliw at nabigyan ng ginhawa ng mga kabanatang 8 at 23.”

Hindi madali ang lumaki sa panahong ito ng ligalig. Nakakaharap ng mga kabataan ang maraming bagong kalagayan at kailangang magpasiya. Ako ba’y maninigarilyo? Gagamit ng droga? Paano ako dapat kumilos kapag kasama ng hindi ko kasekso? Kung nais mong magkaroon ng higit pang impormasyon o ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa tamang direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share