Nakikitungo ang mga Ito sa Pang-araw-araw na mga Suliranin
Isang babae sa Lisbon, Portugal, noon ay sumulat sa tanggapang pansangay ng Watch Tower Society sa bansang iyon upang humiling ng magasing Gumising! Ang nag-udyok sa kaniyang kahilingan ay na kamakailan siya’y nakatanggap ng isang kopya ng magasing Ang Bantayan. Kaniyang nabasa iyon at labis na pinahalagahan iyon at nagsabi:
“Nais ko kayong pasalamatan para sa labas ng Ang Bantayan na dumating ngayon sa koreo. Nasumpungan kong ang lahat ng mga artikulo sa labas na ito ay totoong kapaki-pakinabang. Yamang ang Gumising! ay isang pinagmumulan ng praktikal na payo salig sa Bibliya sa pakikitungo sa pang-araw-araw na mga suliranin, magiging mabuting karagdagan ito sa aking pagbabasa.
“Nagpasimula akong mag-aral ng Bibliya isang buwan pa lamang ang nakalipas, subalit iyan ay sapat na upang maunawaan ang kahalagahan ng inyong mga publikasyon.
“Minsan pa, ang aking taimtim na pagpapasalamat sa lahat ng mga nag-alay ng kanilang mga buhay sa pagtulong sa mga taong gaya ko na matuto ng tungkol sa Kaharian at Salita ni Jehova.”
Ang mga Saksi ni Jehova ay isang internasyonal na organisasyon ng halos apat na milyong mga estudyante sa Bibliya na ginagamit ang kanilang mga buhay sa pagtulong sa iba upang matuto nang higit tungkol sa mga layunin ng Diyos. Kung nais mong magkaroon ng higit pang impormasyon o ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa tamang direksiyon na nakatala sa pahina 5.