May Lunas Ba?
Ang walang ampat na pagkausyoso ng tao ang nagtutulak sa kaniya na gumugol ng enerhiya, salapi, materyales, at kahit na ng mga buhay sa kaniyang paghahanap ng kaalaman tungkol sa sansinukob. Bagaman ang paglalakbay sa mga planeta ang pangunahing tunguhin ng ilan, sa iba ang hamon ay ang lupa mismo. Ang krimen, karahasan, at digmaan ay sumasawi ng mga buhay sa araw-araw. Ipinapahamak ng tao ang lupa at lumilikha siya ng di-timbang na ekolohiya dahil sa kaniyang polusyon at komersiyal na pagsasamantala sa may takdang mga yaman nito. Ang “mga bagà” ng lupa, ang mga gubat nito, ay kinakalbo. Ang tubig ng lupa ay nilalason at inaaksaya. May mabisa bang lunas sa mga problemang ito? Ang Gumising! ay nakatalagang ipakita sa iyo ang lunas ng Diyos gaya ng masusumpungan sa Bibliya. Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa magasing ito, pakisuyong makipagkita sa mga Saksi ni Jehova sa iyong lugar o sumulat sa pinakamalapit na direksiyon na nakatala sa pahina 5.