Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g92 10/22 p. 32
  • ‘Ginagawa Ninyo ang Inyong Ipinangangaral’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Ginagawa Ninyo ang Inyong Ipinangangaral’
  • Gumising!—1992
Gumising!—1992
g92 10/22 p. 32

‘Ginagawa Ninyo ang Inyong Ipinangangaral’

Ang mga Saksi ni Jehova ay sumusuporta sa mga tanggapang sangay sa halos isang daang bansa sa buong daigdig. Noong nakaraang taon sa Timog Aprika, isang lalaki buhat sa Beacon Bay ay sumulat ng isang liham ng pagpapahalaga sa tanggapang sangay ng Samahang Watch Tower sa bansang iyon. Sabi niya:

“Hindi ako isang Saksi ngunit regular kong binabasa ang mga magasing Bantayan at Gumising! Talagang nasusumpungan kong nakapagpapasigla ang pagbabasa nito. Sinasaklaw ninyo ang iba’t ibang paksa sa mga magasing ito at inihaharap ninyo ang inyong materyal sa malinaw at propesyonal na paraan.

“Hanga ako sa asal at gawi ng mga Saksi. Kayo lamang ang tanging uri ng Kristiyanismo na nakilala ko na ang mga miyembro ay walang pagbabagong ginagawa kung ano ang kanilang pinaniniwalaan. Harinawang sumagana ang inyong gawain.”

Nitong nakalipas na mga taon ang gawain ng mga Saksi ni Jehova ay sumulong sa lawak anupat mahigit na 30 sa kanilang mga sangay sa buong daigdig ay naglilimbag na ngayon ng Ang Bantayan at Gumising! Lahat-lahat, halos 700 milyong kopya ng mga magasing ito ang inilimbag noong nakaraang taon, halos 16 na milyong kopya ng bawat labas ng Ang Bantayan at mahigit na 13 milyong kopya ng bawat labas ng Gumising!

Kung nais mong magkaroon ng higit na impormasyon o ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share