Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g92 12/8 p. 32
  • Nagpapasalamat sa Gumising!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nagpapasalamat sa Gumising!
  • Gumising!—1992
Gumising!—1992
g92 12/8 p. 32

Nagpapasalamat sa Gumising!

PARAMI nang paraming mambabasa ng magasing ito ang nagpapasalamat sa kaliwanagan na natatamo nila tungkol sa napakaraming paksa. Sa timugang bahagi ng Pransiya isang lalaki at ang kaniyang asawa na mga Saksi ni Jehova ay tumanggap ng sumusunod na liham buhat sa isang ginoo na kanilang naiwanan ng isang kopya ng Gumising!

“Mahal na Ginoo at Ginang:

“Batid ko na ang Diyos ay may iba pang bagay na ginagawa kaysa pagbibigay-lugod sa ating nakatutuwang mga paraan ng pagkaunawa sa kaniyang pakikialam sa bawat posibleng kalagayan. Bagaman hindi ako naniniwala sa ganitong uri ng kaisipan, ako’y kumbinsido na ang inyong pagdating nang ako ay papaalis ng bahay ay higit pa sa nagkataon lamang. Mabuti na lamang at natanggap ko ang Agosto 8, 1990, na labas ng Gumising! Anong laking kabiguan sana kung hindi ko ito natanggap!

“Ang matalinong pagsusuri sa mga seryeng ‘Ang Pamamahala ng Tao ay Tinimbang’ ay nakatawag ng aking interes at totoong nakamangha sa akin. Matibay kong sinasang-ayunan ang paraan ng pagkakalahad sa mga serye . . . Kaya nga, maaari bang hilingin ko sa inyo na isaayos ninyo na ako’y tumanggap ng dumarating na labas ng Gumising! Hindi ko nais na makaligtaan ang anuman sa seryeng ito.”

Ang mga Saksi ni Jehova ay isang internasyonal na organisasyon ng mahigit na apat na milyong estudyante ng Bibliya na nakatalagang tulungan ang mga tao na matuto nang higit tungkol sa sanlibutan sa palibot nila at tungkol sa Salita ng Diyos at ang paraan ng pagtupad nito. Kung nais mong magkaroon ng higit na impormasyon o ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share