“Ang Pinakamagaling na Panlahat na Interes na Magasin sa Daigdig”
GANIYAN inilarawan ng isang liham noong nakaraang taon sa tanggapang sangay ng mga Saksi ni Jehova sa Nigeria ang Gumising! Ang sumulat ay nagpaliwanag:
“Ako’y nagtatrabaho sa magasing Eko, isang publikasyong panlunsod ng Newswatch, ang pinakamalaganap na binabasang internasyonal na magasin sa Nigeria. Ako’y isang suskritor ng Gumising! sapol noong 1985, bagaman hindi ako isang Saksi. Noong isang araw samantalang kami ay nasa paggawa ng susunod na edisyon ng Eko, naiwan ko ang Gumising! na binabasa ko [Abril 22, 1991] sa ibabaw ng mesa upang gawin ang isang maliit na atas.
“Kinuha ito ng isa sa mga kasamahan ko upang mabilis na magbasa-basa, subalit siya ay gumugol ng panahon sa pagbabasa sa buong serye ng mga artikulo tungkol sa diborsiyo. Kinuha sa kaniya ng isa pang tao ang magasin, at ng isa pa, at ng isa pa. Ang isa sa kanila, isang Ortodoksong Kristiyano, ay nagsabi sa akin na dati’y hindi niya pinapansin ang Gumising! at kailanman ay hindi inaakalang kayo ay makapagtatampok ng ‘gayong kawili-wili, kahanga-hangang nakapagtuturong mga artikulo,’ at agad niya akong tinanong kung paano makapagsususkribi. Isa pa ang humiling sa akin na ipahiram sa kaniya ang aking mga magasin kailanma’t tanggapin ko ang mga ito.
“Oo, wala akong balak na maging isang Saksi, gayunman hindi ko kailanman pinagsisihan ang aking pasiyang sumuskribi sa Gumising! Salamat, at binabati ko ang pinakamagaling na panlahat na interes na magasin sa daigdig.”
Ang mga Saksi ni Jehova ay isang internasyonal na organisasyon ng mahigit na apat na milyong estudyante ng Bibliya na nakatalagang tulungan ang mga tao na matuto nang higit tungkol sa mga layunin ng Diyos.
Kung nais mong magkaroon ng higit na impormasyon o ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.