Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g93 2/8 p. 32
  • “Talagang Nagmamalasakit Kayo sa Tao”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Talagang Nagmamalasakit Kayo sa Tao”
  • Gumising!—1993
Gumising!—1993
g93 2/8 p. 32

“Talagang Nagmamalasakit Kayo sa Tao”

Iyan ang konklusyon ng isang lalaki sa California, E.U.A., na nasisiyahan sa pagbabasa ng mga publikasyon ng Samahang Watch Tower. Tungkol sa aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, sulat niya:

“Binabasa ko ito sa pangalawang pagkakataon, at ito ay kasiya-siyang basahin. Ang aklat ay hindi lamang lubhang nakapagtuturo kundi ang may kulay na mga ilustrasyon nito ay buháy na buháy. Ang bawat larawan ay nagpapangyari sa akin na madamang para bang ako’y nabubuhay noong panahon ni Jesus.

“Halimbawa, ang lalaking inaalihan ng demonyo sa ilustrasyon sa kabanata 45 ay talagang mukhang mabagsik at mapanganib. Gayunman si Jesus ay inilalarawan na dumarating sa pampang na walang-takot at pinalabas ang mga espiritu ng demonyo . . .

“Lahat ng mga drowing ng nakapopoot na mga lider na Judio ay isang gawa ng sining. Ipinakikita nito kung ano ang hitsura ng isang taong galit kapag kailangan niyang makitungo kay Jesus gayunma’y ayaw ihinto ang kaniyang makasalanang pamumuhay. Marami pa akong masasabi . . . Talagang nagmamalasakit kayo sa tao . . .

“Hindi ako isa sa mga Saksi ni Jehova subalit naiibigan kong tumanggap ng Ang Bantayan at Gumising! Buong pananabik kong hinihintay ang bawat labas, at pagdating nito, ito ang pinakamainam na bahagi ng aking mga sulat. Ang Hunyo 22 na Gumising! ang panalo! Ang ‘Pagpapalaki ng mga Anak sa Isang Imoral na Daigdig’ ay isang lubhang napapanahong paksa. . . .

“Ako’y 35 taóng gulang at natalos ko na nakakaharap ng matandang sanlibutang ito ang malalaking problema. Ako’y natutuwa na nariyan kayo at sinasabi ang katotohanan tungkol sa matandang sanlibutan at kung ano ang nadarama ng Diyos tungkol dito.”

Ang mga Saksi ni Jehova ay isang internasyonal na organisasyon ng mahigit na apat na milyong mga estudyante ng Bibliya na nakatalaga upang tulungan ang mga tao na matuto ng higit tungkol sa mga layunin ng Diyos. Kung nais mong magkaroon ng higit na impormasyon o ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

[Larawan sa pahina 32]

ANG PINAKADAKILANG TAO NA NABUHAY KAILANMAN

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share