Kaalaman sa Pinakahuling Balita ng Ating Panahon
Ang tanggapang sangay ng mga Saksi ni Jehova sa Alemanya ay nakatanggap ng isang sulat buhat sa isang 77-anyos na mongheng Katoliko. Sabi niya:
“Mula nang magsara ang aking monasteryo 25 taon na ang nakalipas, ako’y nakatira sa isang tirahan para sa mga may edad na. Hindi ako sumasang-ayon sa lahat ng mga paniniwala ninyo, subalit ang nabasa ko ngayon sa Ang Bantayan ay nagpangyari sa akin na tanggapin na may kaalaman kayo sa pinakahuling balita ng ating panahon. Kayo ay tunay na isang bantayan, ginagawa kung ano ang ipinangangako sa pahina dos, ‘nagbabantay sa mga pangyayari sa daigdig na katuparan ng hula sa Bibliya.’
“May tibay-loob at lehitimong ipinaliliwanag ninyo ang mga salita ni Pablo sa 1 Tesalonica 5:3: ‘Pagka sinasabi nila: “Kapayapaan at katiwasayan!” saka naman ang biglaang pagkapuksa ay biglang-biglang darating sa kanila.’ Wala akong nasumpungang gayong paliwanag sa aming simbahan. Hindi matututulan ng isang tao ang pagkilos ng banal na espiritu sa mga Saksi ni Jehova. . . . Ako’y matutuwang regular na basahin ang inyong mga magasin.”
Sa pagsunod sa halimbawa ng mongheng Katolikong ito, ikaw man ay maaaring matuto nang higit tungkol sa mga pangyayari sa daigdig na katuparan ng hula sa Bibliya at kung paanong malapit nang lipulin ng Kaharian ng Diyos ang kabalakyutan at lumikha ng isang pangglobong paraiso.
Kung nais mong magkaroon ng higit na impormasyon o ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya sa isa sa mga Saksi ni Jehova, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5.