Binigyan ng mga Guro ng Pagkakataon ang Paglalang
Isang paaralan sa Berlin, Alemanya, ang nagdispley sa isang malaking pader ng isang ipinintang larawan na nagpapakita kung paanong ang tulad-bakulaw na mga nilikha ay ipinalalagay na naging makabagong tao. Pagdating sa paaralan isang araw, nasumpungan ng mga estudyante na ang larawan ay tinakpan ng pinturang puti. Ano ang nangyari?
Isang 16-anyos na estudyanteng nagngangalang Natalie, isa sa mga Saksi ni Jehova, ay nagtanong sa kaniyang guro sa biyolohiya kung bakit binura ang larawan. Ipinaliwanag ng guro na isang estudyante ang nagbigay sa kaniya ng isang kopya ng Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Gayon na lamang ang paghanga niya sa aklat anupat ipinakita niya ito sa iba pang mga guro ng biyolohiya sa paaralan. Ang aklat ay nakabighani rin sa kanila.
Kaya, ang mga guro ay nagpasiya na patungan ng pintura ang larawan, gaya ng sabi nila, ‘upang huwag maimpluwensiyahan ang isipan ng mga estudyante nang patiuna.’ Kaya sa halip na ituro lamang ang teoriya ng ebolusyon sa mga estudyante, binalak ng mga guro na ituro rin ang paglalang, ginagamit ang materyal buhat sa Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?
Ang nakabibighaning publikasyong ito ay inilathala ng mga Saksi ni Jehova, isang internasyonal na organisasyon ng mahigit na apat na milyong mga estudyante ng Bibliya na nakatalagang tulungan ang mga tao na matuto nang higit tungkol sa mga layunin ng Diyos. Kung nais mong magkaroon ng higit pang impormasyon o ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watchtower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.
[Larawan sa pahina 32]
Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?