Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g93 4/22 p. 32
  • Pagpapahalaga sa Gumising!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapahalaga sa Gumising!
  • Gumising!—1993
Gumising!—1993
g93 4/22 p. 32

Pagpapahalaga sa Gumising!

ILANG daang sulat ang tinanggap bilang pagpapahalaga sa labas ng Gumising! ng Agosto 22, 1992, na nagtampok sa paksang “Chronic Fatigue Syndrome​—Kung Paano Ito Madaraig.” Noong nakaraang tag-araw isang medikal na doktor mula sa Tennessee, E.U.A., ang sumulat:

“Noong ika-22 at ika-23 ng Agosto ako ay nagbigay ng dalawang presentasyon sa dalawang magkaibang pangkat sa gawing timog ng California. Ang aking paksa: Chronic Fatigue Syndrome.

“Isa sa taong dumalo sa komperensiya sa Pasadena ay nagbigay sa akin ng isang kopya ng Agosto 22, 1992, na labas ng Gumising! at aking binasa at muling binasa ang kuwento ng pabalat. Ako’y sumusulat upang papurihan kayo sa inyong ekselenteng pagsaklaw sa misteryoso pa rin at kadalasa’y hindi maunawaang karamdaman. Ito talaga ang pinakamagaling na artikulo tungkol sa paksang ito na nabasa ko​—at marami akong nabasa tungkol dito.”

Noong Oktubre, isang Saksi ni Jehova buhat sa Illinois, E.U.A., na pinahihirapan ng sakit, ay nagsabi: “Buweno, ngayong umaga, ako’y nakapagpasakamay ng 319 na mga magasin na nagtatampok ng mga artikulo tungkol sa chronic fatigue syndrome. Naipasakamay ko ito sa mga parmaseutiko, mga kawani sa tindahan ng mga pagkaing pangkalusugan, mga empleado sa bangko ng dugo, mga nars, at sa mga tauhan ng aklatang pangmedisina.

“Ang mga pangkat sa medisina ay kumuha ng mga kopya para sa mga doktor. Ang mga kawani na nakausap ko ay nagsabi na titiyakin nila na ang mga doktor ay magkakaroon ng kani-kanilang kopya. Hiningi pa nga ng ilan ang numero ng aking telepono sakaling mangailangan sila ng karagdagang magasin.”

Ang mga Saksi ni Jehova, na binubuo ng isang internasyonal na organisasyon ng mahigit na apat na milyong estudyante ng Bibliya, ang mga tagapaglathala ng Gumising! Higit pa ang ginagawa ng magasin kaysa ipakita sa mga mambabasa kung paano madaraig ang mga problema sa ngayon. Pinatitibay rin nito ang pagtitiwala sa pangako ng Diyos tungkol sa isang mapayapa at tiwasay na bagong sanlibutan. Ang mga Saksi ni Jehova ay nakatalaga upang tulungan ang mga tao na matuto ng higit tungkol sa mga layunin ng Diyos.

Kung nais mo ng higit pang impormasyon o ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa tamang direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share