Apektado ng Iyong Halimbawa ang Iba
ANG lahat ay nakagagawa ng ilang uri ng impluwensiya sa iba, alin sa ikabubuti o sa ikasasama. Isang kabataan mula sa Nigeria ang sumulat noong nakaraang Nobyembre:
“Hindi ko na kayang pigilin pa. Nang mabasa ko ang epekto ng pananampalataya ni Wyndham sa maraming kabataang gaya ko (ang artikulo sa Oktubre 22, 1992, na Gumising! na “Pananampalataya ni Wyndham—Kung Paano Naapektuhan Nito ang Iba”), batid kong kailangan kong sumulat. Ang aking mata ay luhaan. Lagi kong naiisip si Wyndham, para bang kilala ko siya.
“Ako’y may malubhang karamdaman noong linggong iyon at halos dalhin ako sa ospital. Idinalangin ko sa Diyos na Jehova na kung sakaling imungkahi ng doktor ang pagsasalin ng dugo, sana’y palakasin Niya ako at bigyan ako ng tibay ng loob na manindigan sa aking mga paniwala na gaya ng ginawa ni Wyndham Cook, kahit na mamatay ako.
“Habang sumusulat ako ay hindi pa ako lubusang magaling, subalit pinasasalamatan ko kayo sa paglalahad ninyo ng gayong nakapagpapalakas at nakapagpapatibay-loob na artikulo.”
Higit pa ang ginagawa ng Gumising! kaysa tulungan lamang ang mga mambabasa na harapin ang mga problema. Pinatitibay rin nito ang pagtitiwala sa pangako ng Maylikha tungkol sa isang mapayapa at tiwasay na bagong sanlibutan. Kung nais mong magkaroon ng higit pang impormasyon o ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.