“Gaya ng Panonood ng Isang Pelikula Tungkol sa Buhay ni Jesus”
Itinulad ng isang babae sa Pransiya ang pagbabasa ng aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa panonood ng gayong pelikula. Sinisikap ng aklat na talakayin ang bawat pangyayari sa makalupang buhay ni Jesus na inilahad sa Ebanghelyo. At hangga’t maaari, ang bawat pangyayari ay ayon sa kronolohikal na pagkakasunud-sunod. Sabi ng babae:
“Nang marating ko ang dulo ng aklat, para bang ako’y inanyayahan ni Jesus na makisama sa kaniya, mamuhay na kasama niya, makibahagi sa kaniyang mga kagalakan, sa kaniyang mga damdamin, sa maikli, sa bawat aspekto ng kaniyang ministeryo. Ang kahanga-hangang mga ilustrasyon ay tunay na nagbabadya ng mga damdamin at personalidad ng lahat na nakasama ni Jesus at maging ni Jesus mismo. Ang pagbabasa sa aklat mula sa simula hanggang sa wakas sa isang upuan ay gaya ng panonood ng isang pelikula tungkol sa buhay ni Jesus.”
Kung nais mong tumanggap ng isang kopya ng 448-pahinang pinabalatang aklat na ito o magkaroon ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.