Pinangyari Siya Nitong Manalangin
SI Karen, isang Saksi ni Jehova sa Estado ng New York, ay nagsabi na pinadalhan niya ang kaniyang ina ng aklat na Pakikinig sa Dakilang Guro. “Ibinigay ko kay Inay ang aklat,” sulat ni Karen, “para sa aking siyam-na-taóng-gulang na pamangkin, si Jamie, upang basahin sa gabi.” Paliwanag ni Karen: “Sumulat ako kay Jamie at sinabi ko na basahin niya ito gabi-gabi kay Lola, at siya’y magkakaroon ng magagandang kaisipan bago matulog.”
Nang maglaon, ang ina ni Karen, na hindi Saksi ni Jehova ay nagsabi kay Karen na si Jamie ay nahiga at nagsimulang basahin ang aklat. Kinabukasan sinabi niyang ipinanalangin niya ang kaniyang sanggol na kapatid na lalaki (na inooperahan) bago siya natulog. Lubhang naantig ang damdamin ng ina ni Karen sa bagay na ito sapagkat inaakala niyang si Jamie ay hindi kailanman nanalangin noon.
Si Karen ay sumulat: “Iyan ay totoong makapangyarihang aklat kung pinangyari nitong manalangin ang isang siyam-na-taóng-gulang pagkatapos lamang basahin ang maliit na bahagi nito. Ginawa nitong pahalagahan ko nang higit ang kapangyarihan ng literaturang ito. Sa palagay ko humanga pa nga rito ang aking ina sapagkat sinabi niyang napansin niya na ang aklat ay nagtatanong ng maraming katanungan at maliwanag na nagtuturo ng mga aral at hindi lamang mga kuwento.”
Kung nais mong tumanggap ng isang kopya ng Pakikinig sa Dakilang Guro o magkaroon ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.