Binawasan Nitong Lubha ang Pagkahandalapak sa Sekso
Isang tagapayo sa isang unibersidad sa Oklahoma, E.U.A., ay nag-ulat na nagawa ng aklat na Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas ang nasa itaas. Ang tagapayo sa Langston University ay sumulat:
“Nais kong payuhan ang sinumang tao na nakikitungo sa mga kabataan sa pagitan ng mga edad 13-18 na gamitin ang partikular na aklat na ito. Ipinaliliwanag nito ang sekso sa isang paraan na dapat malaman ng ating mga estudyante ang tungkol dito upang malutas ang mga problema ng masalimuot na lipunan sa ngayon. Mula sa karanasan ko, nasumpungan kong nakatutulong na malaman nila kung ano ang nangyayari kung sila ay handalapak. Ipinakikilala nito sa kanila ang iba’t ibang sakit na naililipat ng pagtatalik na gaya ng AIDS, sakit benereo, herpes at gonorea.
“Kung magpasiya kang makipagtalik, itinuturo nito kung paano ka dapat pumili ng isang kapareha habang-buhay, at itinataguyod nito ang kabanalan ng pag-aasawa. Talagang nasiyahan ako sa paggamit ng aklat na ito. May epekto ito sa mga buhay niyaong gumagamit nito. Napansin kong nabawasang lubha ang mga dalagitang nagdadalang-tao sa aming programa pagkatapos na ito ay ipakilala.”
Kung nais mong tumanggap ng isang kopya ng Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas o nais mong magkaroon ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon sa pahina 5.