Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g94 2/22 p. 32
  • “Pinawi Nito ang Aking mga Alinlangan”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Pinawi Nito ang Aking mga Alinlangan”
  • Gumising!—1994
Gumising!—1994
g94 2/22 p. 32

“Pinawi Nito ang Aking mga Alinlangan”

IYAN ang sinabi ng isang tin-edyer mula sa Mexico tungkol sa mga artikulo na kaniyang nabasa sa Gumising! Ganito ang kaniyang sulat: “Ako’y 17 taóng gulang, at ako’y nasa ikalawang semester sa maikling kurso sa accounting sa high school. Gustung-gusto ko ang inyong mga magasin. Binabasa ko ang mga ito sa loob ng tatlong taon at iniipon ko pa nga ang mga ito.

“Yamang hindi ako isang Saksi ni Jehova at ang buong pamilya ko ay Katoliko, hindi ako nangangahas na dumalo sa mga pulong. Hindi ako palaging nakakakuha ng mga magasin, sapagkat ang mga Saksi ay hindi laging nagpupunta sa aming bahay o kapag sila’y dumadalaw, wala ako sa bahay, at hindi kumukuha nito ang aking pamilya. Kaya naman ako’y sumulat upang hilingin sa inyo na ako’y padalhan ninyo ng mga magasin sa Ingles gayundin sa Kastila.

“Ang inyong artikulo ay nakatulong sa akin sa paaralan, lakip na ang mga artikulo tungkol sa natapong langis (Setyembre 22, 1989), ang mga extraterrestrial (Abril 8, 1990), ang mga dinosaur (Pebrero 8, 1990), at marami pang iba. Naglalaan ang mga ito ng mga impormasyong kailangan ko, at pinawi nito ang aking mga alinlangan.

“Labis akong nasisiyahan sa pagbabasa ng tampok sa Gumising! na ‘Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . ,’ yamang ito’y nakatutulong sa aking pang-araw-araw na pamumuhay at sa pakikitungo sa ibang mga kabataan.”

Kung nais mo ng kopya ng Gumising! na ipadala sa inyong tahanan, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share