Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g94 3/8 p. 32
  • ‘Ang Aking Guro ay Humiling ng 20 Aklat Pa’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Ang Aking Guro ay Humiling ng 20 Aklat Pa’
  • Gumising!—1994
Gumising!—1994
g94 3/8 p. 32

‘Ang Aking Guro ay Humiling ng 20 Aklat Pa’

ANG labimpitong-taóng-gulang na si Daniel ay binigyan ng takdang-aralin noong siya’y nasa high school sa Boston, Massachusetts, E.U.A., upang maghanda ng impormasyon tungkol sa isang relihiyon sa Asia. Ang sabi niya: “Hinimok kami ng guro na pumunta sa aklatan upang magsaliksik. Batid ko na ang aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos, na inilathala ng Samahang Watch Tower, ay magiging malaking tulong. Dinala ko ito sa paaralan at ipinakita sa guro. Siya’y humanga nang husto dahil sa pagiging makatotohanan nito, pagiging tumpak, at ang tanong-at-sagot na kaayusan anupat siya’y umorder ng 20 kopya para sa buong klase. Ang mga ito’y pag-aari ngayon ng paaralan at ginagamit sa bawat sumusunod na klase. Nagbigay ng $50 na donasyon upang makatulong sa ating pambuong-daigdig na gawain sa pagtuturo.”

Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos ay isang 384-pahinang aklat na sumusuri sa paghahanap ng tao sa Diyos sa pamamagitan ng pangunahing mga relihiyon sa daigdig. Ito’y naisalin na sa 34 na wika, at mahigit na 15 milyong kopya ang naipamahagi. Kung nais ninyong mabasa ang kawili-wiling lathalaing ito, pakisuyong makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa Kingdom Hall na malapit sa inyo o sumulat sa pinakamalapit na direksiyon na matatagpuan sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share