Nagulat sa Paglilimbag ng Gumising!
ISANG MAMBABASA NG GUMISING! SA Minnesota, E.U.A., na nagtatrabaho sa isang kolehiyo kung saan ang marine biologist na si Sam LaBudde ay nakatakdang magpahayag sa isang pagtatanghal na pinamagatang “Saan Naroon ang mga Dolphin?” Dahil sa naalaala na siya’y sinipi sa Gumising! sa artikulong “Palipás Na ba ang Pantí na Pangingisda?” (Mayo 22, 1992), dinala niya ang magasin sa lektyur.
“Sa magasin ay sumulat ako nang maikling kalatas para kay G. LaBudde. Sinabi ko na inaakala kong masisiyahan siya na malamang ang magandang artikulong ito ay ipamamahagi sa buong mundo sa maraming wika at na ang magasin ay inilimbag na sa mahigit na 13,000,000. Pagkatapos ay isinulat ko ang aking pangalan at iniwan ang Gumising! na nakabukas sa ibabaw ng podium at nagbalik sa aking upuan.
“Saglit lamang ay nakita ko ang isang lalaki na lumapit sa podium, kinuha ang magasin, at binasa ito. Pagkalipas ng ilang minuto, tumingin siya at nagtanong nang malakas kung ang taong nag-iwan ng magasin ay naroroon. Nang itaas ko ang aking kamay at nagsabing, ‘ako,’ nanaog siya at umupo sa tabi ko. Pinasalamatan niya ako para sa magasin at nagsabi na siya’y nagpapahalaga kapag may naghaharap sa kaniya ng impormasyon na nagtatampok ng gawain o mga nagawa sa larangan ng kaniyang trabaho. Subalit, kaniyang inakala na baka ako’y nagkamali sa pagsasabing ang paglilimbag ay 13,000,000. Inaakala niyang ang ibig kong sabihin ay 13,000. Binuksan ko ang pahina ng magasin sa harapan at ipinakita sa kaniya na iyon ay 13,000,000. Nagulat siya. Humanga rin siya sa dami ng wikang inililimbag ang magasin [na 74 na wika na sa ngayon]. Inakala niya na ang magasin ay ipinamamahagi lamang sa Estados Unidos, subalit ipinaliwanag ko kung paano ito ginagawa sa buong mundo.”
Kung nais mo ng kopya ng Gumising! na ipadala sa inyong tahanan, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5.