Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g94 4/22 p. 32
  • Nais Nilang Magkaroon ng Sariling Kopya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nais Nilang Magkaroon ng Sariling Kopya
  • Gumising!—1994
Gumising!—1994
g94 4/22 p. 32

Nais Nilang Magkaroon ng Sariling Kopya

ISA sa mga Saksi ni Jehova na nagtatrabaho sa Milan Linate Airport ng Italya ang nagdala ng aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa trabaho. Marami sa mga kasama niya sa trabaho ang nagsabi na nais nilang magkaroon ng sariling kopya ng publikasyong ito tungkol sa buhay ni Jesu-Kristo. Pagkalipas ng ilang araw, habang inihahatid ng Saksi ang hiniling na mga aklat, isa sa kaniyang kasama sa trabaho ang nagsabi sa kaniya na ang mga empleado sa ilang kompaniya ng eruplano ay nagsabi na nanaisin din nilang magkaroon ng aklat. Kaya hiniling sa kaniya ng Saksi na gumawa ng talaan ng lahat ng nagnanais nito. Pagkaraan ng ilang araw ang talaan ay ibinigay sa kaniya.

Ang dami ng mga aklat na hiniling ay hindi agad maaaring kunin, subalit pagkalipas ng dalawang linggo nakuha ito ng Saksi. Dinalaw niya at ng isang kapuwa Saksi ang lahat ng nasa talaan, at 461 aklat lahat-lahat ang naihatid! Habang inihahatid nila ang mga ito, nagsagawa sila ng kaayusan para sa 13 katao na dalawin ng mga Saksi na malapit sa mga ito upang simulan ang pantahanang pag-aaral sa Bibliya sa kanila.

Kung nais mong tumanggap ng isang kopya ng 448-pahinang pinabalatang aklat na ito o magkaroon ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share