Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g94 5/8 p. 32
  • Isang Modernong-Panahong Mabuting Samaritano

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Modernong-Panahong Mabuting Samaritano
  • Gumising!—1994
Gumising!—1994
g94 5/8 p. 32

Isang Modernong-Panahong Mabuting Samaritano

ISANG ginang sa Canada ang dumanas ng isang aksidente sa kotse. Isang modernong-panahong Mabuting Samaritano ang tumulong sa kaniya. (Lucas 10:29-37) Naantig sa kaniyang kabaitan, isinulat ng ginang ang sumusunod sa The Georgetown Independent:

‘Mahal na Patnugot:

‘Ako’y sumusulat sa dalawang kadahilanan. Una, nais kong pasalamatan ang isang residente sa Georgetown na tumulong sa akin nitong nakaraang dulo ng sanlinggo nang mawalan ng kontrol ang aking kotse at bumagsak sa isang kanal.

‘Si Mr. John Saunders ay nagmamaneho at huminto. Sinimulan niya ang pangunang lunas at siya ay lubhang nakapagpapatibay-loob. Sinamahan niya ako hanggang sa dumating ang mga tsuper ng ambulansiya at mga pulis. Ang inyong pamayanan ay pinagpala sa pagkakaroon ng isang Mabuting Samaritano na gaya ni Mr. Saunders na nakatira sa inyong pamayanan.

‘Si Mr. Saunders ay dumalaw sa amin ng mister ko sa ospital, upang tiyakin lamang na ang lahat ay maayos. Nagulat akong malaman na si Mr. Saunders ay nagtatrabaho sa punong tanggapan ng mga Saksi ni Jehova sa Georgetown. Sa tuwina ang akala ko ang mga taong iyon ay hindi naniniwala sa medisina, at narito ginamit ng isa sa kanila ang pangunang lunas ng medikal na pagsasanay alang-alang sa akin. Narito pa ang pangalawang dahilan ng aking pagsulat.

‘Nais kong humingi ng paumanhin sa lahat ng mga Saksi ni Jehova sa kasungitang ipinakita ko sa kanila nang sila’y dumalaw sa aking bahay. Sa tuwina ang paniwala ko’y panatiko kayo. Pinatunayan ni Mr. Saunders na mali ang nakasisindak na palagay na ito. Kayo’y pawang mga normal na tao lamang na sinisikap na gawin ang inaakala ninyong tama.

‘Salamat na muli, Mr. Saunders, at patuloy na manghawakan kayo sa inyong relihiyosong paniniwala. Pagpalain nawa kayo ng Diyos.

‘T.M., Toronto’

Ang mga Saksi ni Jehova ay naniniwala na ‘dapat mong ibigin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.’ (Lucas 10:27) Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa mga Saksi ni Jehova o nais mong magkaroon ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share