Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g94 6/22 p. 32
  • “Interesado Akong Makaalam Nang Higit Pa”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Interesado Akong Makaalam Nang Higit Pa”
  • Gumising!—1994
Gumising!—1994
g94 6/22 p. 32

“Interesado Akong Makaalam Nang Higit Pa”

ISINULAT ng isang lalaki buhat sa Colorado, E.U.A., ang nasa itaas noong nakaraang Disyembre sa isang liham sa mga tagapaglathala ng magasing ito. Siya’y nagpaliwanag:

“Bagaman hindi ninyo ako maituturing na isang relihiyosong tao sa mga pamantayan ng karamihan ng mga tao, sa tuwina’y naniniwala ako na mayroon pang higit sa buhay kaysa nakikita at naririnig natin sa ating pang-araw-araw na pag-iral. Mayroon akong espirituwal na pangako, bagaman hindi sa isang espesipikong relihiyon.

“Gayunman, hindi pa natatagalan ay nasumpungan ko ang aking sarili sa ilang nakababalisang mga kalagayan at nasusumpungan ko ang aking sarili na walang panloob na lakas upang mabata ito. Ang mga problema sa bahay at sa trabaho ay nakaragdag sa aking pagkabalisa sa punto na hindi ko naranasan noon. . . .

“Nakapagtataka, nang ako’y nasa rurok ng aking kabiguan, hindi sinasadyang nasumpungan ko ang isa sa inyong mga literatura sa isang pamilihan. Ang inyong mga palagay tungkol sa Banal na Ama ay nakagiginhawa, at interesado akong makaalam nang higit pa, subalit hindi ko alam kung saan kukuha ng higit na impormasyon.

“Pahahalagahan kong lubha ang anumang patnubay na maibibigay ninyo sa akin upang makaalam nang higit tungkol sa mga Saksi ni Jehova at sa inyong mga pinaniniwalaan. Gaya ng nabanggit ko, nakapagtatakang di-sinasadyang nasumpungan ko ang isa sa inyong mga literatura sa rurok ng aking kabiguan​—maaaring ito ay isang tanda ng banal na patnubay.”

Ang taong ito ay pinadalhan ng isang kopya ng isang aklat na naglalahad ng salig-Bibliyang mga pinaniniwalaan ng mga Saksi ni Jehova, na pinamagatang Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Kung nais mong tumanggap ng isang kopya ng 256-pahinang pinabalatang publikasyong ito o nais mong magkaroon ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share