“Ekselente ang Pagkakasulat”
Isang liham ng pagpapahalaga ang dumating sa Samahang Watch Tower mula sa isang mambabasa sa California, E.U.A., kung saan sinabi niya:
“Ang Gumising! tungkol sa ‘Kapanglawan—Kung Ano ang Iyong Magagawa Hinggil Dito’ (Setyembre 22, 1993) ay nag-udyok sa akin na sumulat at sabihin sa inyo kung gaano ako nasiyahan sa pagbabasa ng mga magasin kamakailan. Ekselente ang pagkakasulat, at ang mga artikulo tungkol sa kapanglawan ay napakahusay ang pagkakasulat at matulain. Gayundin, pinahahalagahan ko ang katapatan ng mga artikulo sa paglalagay ng pananagutan sa kapanglawan sa tao mismong namamanglaw. Tunay na ipinahahayag ng mga artikulo ang matinding pag-ibig at nababahalang pagmamalasakit ni Jehova sa kaniyang bayan.”
Ang mga magasing Ang Bantayan at Gumising! ay ipinamamahagi ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig. Ang nauna, na naghaharap ng salig sa Bibliyang mga pagtalakay sa napapanahong mga paksa, ay inilalathala sa 115 wika, na may katamtamang paglilimbag na mahigit 16 na milyon sa bawat labas. Ang huling banggit, na nagbibigay ng nakapagtuturong impormasyon tungkol sa maraming paksa, ay makukuha sa 73 wika at may katamtamang paglilimbag na halos 13 milyon.
Kung nais mong tumanggap ng sampol na mga labas ng mga magasing ito, pakisuyong makipagkita sa mga Saksi ni Jehova sa isang Kingdom Hall sa inyong lugar, o sumulat sa direksiyong pinakamalapit sa inyo gaya ng nakatala sa pahina 5.