Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g94 9/22 p. 32
  • Ang Lunas sa mga Suliranin ng Lahi

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Lunas sa mga Suliranin ng Lahi
  • Gumising!—1994
Gumising!—1994
g94 9/22 p. 32

Ang Lunas sa mga Suliranin ng Lahi

Kamakailan isang lalaki buhat sa Oklahoma, E.U.A., ay tumanggap ng isang kopya ng magasing Gumising! na nagtatampok ng paksang “Magkakaisa ba Kailanman ang Lahat ng Lahi?” Pinatutungkol ang kaniyang liham sa “Mahal na mga Tagapaglathala ng Bantayan,” ang tao ay sumulat:

“Ngayon lamang ay nagkaroon ako ng magandang pagkakataon na mabasa ang inyong labas ng Gumising! ng Agosto 22, 1993, na may kinalaman sa problema ng mga kaugnayan sa lahi. Ako’y namangha, at humanga, sa inyong pagiging makatuwiran, matalinong pagkaunawa sa masalimuot na problemang ito.

“Katatapos ko lamang ng isang kurso sa kolehiyo tungkol sa kasaysayan ng E.U. Subalit sa 9 na mga pahina lamang ng inyong magasin ay nakapagbigay kayo ng tamang kasaysayan, paliwanag, AT LUNAS sa lihim na mapaminsalang problemang ito na nakahihigit pa sa isang buong semestre ng teksto at mga lektyur sa kolehiyo. Ang mga artikulo ay totoong timbang anupat imposibleng sabihin ang pinagmulang lahi ng mga manunulat.

“Habang ang daigdig ay nagiging higit at higit na nababahagi sa etnikong mga bahagi, ang lahat ay nangangailangang mahantad sa ganitong uri ng impormasyon, sa dami na inyong mailalathala. Salamat sa pagkakaroon ng lakas ng loob na ilathala ang katotohanan at makatuwirang bagay.”

Kung nais mo ng isang kopya ng Gumising! na ipadala sa inyong tahanan sa pamamagitan ng koreo, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share